TARGET kapwa ng Arellano University at San Beda na mapanatiling malinis ang marka sa pakikipagtuos sa Mapua U at Lyceum of the Philippines U, ayon sa pagkakasunod, ngayon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying v Centre sa San Juan City.

Nalusutan ng Lady Chiefs, ang reigning champions, ang matikas na pakikihamok ng College of St. Benilde, 25-17, 20-25, 25-18, 18-25, 16-14, habang pinabagsak ng San Beda ang Mapua 30-28, 25-17, 25-14, nitong Martes para makisosyo sa liderato sa San Sebastian Lady Stags.

Haharapin ng AU ang Mapua team na hindi pa nakatitikim ng kampeonato ganap na 2 ng hapon, habang mapapalaban ang SBU sa LPU, kumana ng 25-19, 25-22, 20-25, 26-24 panalo kontra Jose Rizal U.

Kabilang sa frontline ng Lady Chiefs si Nicole Ebuen na umiskor ng 22 puntos, habang sina Princess Bello at Regine Anne Arocha, ang season’s Finals MVP, na mapalaban.

Umani ng paghanga at nagbigay ng kumpiyansa ang mga AU at San Beda team.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

“Our goal is just to get as many wins as we can and try to duplicate what we did last season,” sambit ni AU coach Obet Javier.