TALAGA namang tinutukan ng fans at maging ng non-fans ang Thank U, Next music video ni Ariana Grande, dahil ito na ang may hawak ng trono ng most viewed video sa YouTube, sa unang 24 oras simula nang i-release, ayon sa Variety.

Ariana

Nakuha agad ng video ang record sa unang 22 oras lamang. Nitong Sabado, ganap na 9:35 ng umaga, mayroon na agad 46 million views ang Thank U, Next, kaya naungusan nito ang dating record holder, ang K-pop supergroup na BTS, na nakatanggap naman ng 45.9 million views para sa kanilang Idol music video sa unang 24 oras mula nang ilabas noong Agosto.

Bukod dito, ayon sa YouTube, nai-set ng Thank U, Next ang record para sa most-viewed video na gumamit ng Premiere scheduling feature ng YouTube, dahil 829,000 viewers ang sabay-sabay na nanonood nito. Nagpadala naman ang fans ni Ariana ng mahigit 516,000 chat messages sa video debut, na bagong record din para sa YouTube Premieres.

Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'

Hango ang ideya ng video sa mga pelikulang Mean Girls, Bring It On, 13 Going On 30 at Legally Blonde. Tampok din dito ang cameo nina Mean Girls actors Jonathan Bennett at Stefanie Drummond — at ni Kris Jenner bilang ang dancing/camcorder-brandishing mom.

Lumabas din sa video ang mga YouTube stars na sina Colleen Ballinger at Gabi DeMartino, Jennifer Coolidge (Legally Blonde), ang singer na si Troye Sivan, at ang Thank U, Next co-songwriters na sina Tayla Parx at Victoria Monét.

Tampok din sa video ng Thank U, Next, ang bittersweet past relationship at exes ni Ariana, kabilang ang SNL performer na si Pete Davidson. Ang record-breaking video ay idinirihe ni Hannah Lux Davis.

Narito ang dating ranking ng 10 most-viewed YouTube music videos sa unang 24 oras, ayon sa YouTube:

  1. BTS, Idol – 45.9 million
  2. Taylor Swift, Look What You Made Me Do – 43.2 million
  3. Eminem, Killshot – 38.1 million
  4. Blackpink, Ddu-Du Ddu-Du – 36.2 million
  5. Psy, Gentleman – 36 million
  6. BTS, Fake Love – 35.9 million
  7. Twice, Yes or Yes – 31.4 million
  8. Nicky Jam feat. J. Balvin, X (EQUIS) – 29.7 million
  9. XXXTentacion, Sad! – 27.7 million
  10. Adele, Hello – 26.3 million