MASAYANG kausap si Jo Berry, si Onay ng GMA-7 Primetime family drama na Onanay. Sinasagot niya lahat ng tanong sa kanya ng mga press na bumisita kamakailan sa set nila somewhere in Sta. Mesa, Manila.

Jo

Sa aming kuwentuhan, sinabi ni Jo na may nanliligaw sa kanya ngayon.

“Kahit po naman noong hindi pa ako artista, nag-aaral pa ako, meron na rin pong suitors,” nakangiting sagot ni Jo. “Wala naman po akong problema kung ganito ako, kasi nga hindi naman ako nag-iisa sa family. Ang daddy ko ay little people din, my mom has normal height, at ang kuya ko ganito rin. ‘Yong dalawa ko pang kapatid normal din ang height nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi po naman ako nakatikim noon pa mang bata ako nang pambu-bully, maliban sa kapag nakita ako, verbal lang, like sabi nila ‘ay maliit siya!’.

“Pero ngayon po talagang priority ko ang work. Dream ko kasing makabili ng isang van na sasakyan ko papunta sa taping, kaya iniipon ko ang suweldo ko. Sa ngayon po kasi, wala akong sasakyan, sumasabay lang ako sa service papunta sa taping.”

Pinagkakaguluhan ba siya kung saan man siya pumunta?

“Hanggang sa ngayon po ‘di pa talaga nagsi-sink sa isip ko na artista ako. Minsan, lumabas ako ng GMA gate sa Timog, bigla akong pinigilan ng mga guards doon. Sabi nila, ‘ma’am huwag po kayong lumabas baka kayo dumugin diyan’.

“Nakalimutan ko, kasi maraming tao sa labas at gusto raw lang naman nilang magpa-picture sa akin.

“Iyon pong nagpapa-picture, sinasabi sa akin, na inspirasyon daw nila ako. Na sa kabila ng size ko, matapang ako, tulad ng ipinakikita ko bilang si Onay sa serye namin. Nagpasalamat ako sa kanila dahil sinusubaybayan daw nila talaga ang Onanay gabi-gabi.”

Ano ang hindi niya malilimutan sa paggawa niya ng Onanay?

“Ang buo pong cast, especially si Nanay Nora (Aunor). Hindi ko po nalilimutan ang sinabi niya sa akin na huwag akong magbabago sa pakikitungo sa mga tao, maging magalang ako lagi.

“Kaya po pala maraming nagmamahal sa kanya dahil napaka-down to earth niya. Hanggang sa ngayon marami akong natututunan sa kanila ni Ms. Cherie (Gil). Hangang-hanga ako sa acting niya, iyong very strong ng character niya as Helena, pero nang dumating iyong kailangan niyang ipakita ang other side niya, kahit siya umiyak, napaka-classy pa rin ng dating niya.”

Happy si Jo na may taping pa rin sila bago mag-Christmas. Biro niya, makapag-aambag na raw siya sa gastos ng Christmas dinner ng kanilang pamilya this year.

Wala rin daw silang balak umalis, sa bahay lang sila sa Pasko dahil nga may work pa siya.

Napapanood ang Onanay gabi-gabi, after ng Cain at Abel.

-Nora V. Calderon