Inabisuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na maging mapanuri at wais sa pamimili, lalo na ngayong Christmas season.

Pinayuhan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang mga consumer na piliin ang mas murang brand sa mga bibilhin nilang pagkain.

Aniya, kapag naramdaman ng mga kumpanya na mas mataas ang presyo ng kanilang produkto ay magbababa rin ng presyo ang mga ito kalaunan.

Batay sa natanggap na ulat ng kagawaran, tumaas na ng P20-P40 ang kada kilo ng hamon sa ilang pamilihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Lopez na mayroong suki ang ilang mamahaling brands, kaya hindi nito iniinda ang pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Dagdag pa ng kalihin, dapat nang asahan ang pagtaas ng presyo ng ilang produktong pagkain sa merkado habang papalapit ang Pasko.

-Beth Camia