NAKAKUHA ng upuan at puwesto si lawyer Cliburn Anthony Orbe ng Alphaland Corporation sa Round-of-16 ng 2018 Alphaland National Executive Chess Championships Grand Finals, Rapid chess competition ng organizing Philippine Executive Chess Association (PECA) matapos mag poste ng magkasunod na panalo Sabado ng gabi.

Makakatapat n i Orbe si Stephen Manzanero ng Novaliches Novelty Chess Club na ginaganap sa Activity Hall, 2nd Floor, Alphaland Makati Place, Ayala Avenue corner Malugay Street sa Makati City.

Si Orbe, ang over-all PECA grand prix topnotcher ay giniba si engineer Novo Tuazon, 2-0, sa Round-of-32. Una muna siyang nanaig kontra kay La Salle Coach Susan Grace Neri, 2-0, sa Round-of-64.

Sa panig naman ni Manzanero ay winasiwas si Ali Guya sa Round-of-32. Panalo din siya kontra kay Orlando Pascual sa Round-of-64.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang magkakampeon ay tatangap ng top prize P50,000 at mabibigyan ng award na National Master (NM) title sa Rapid event ayon kay Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) president Red Dumuk na executive director din ng National Chess Federation of the Philippines sa event na pinangasiwaan nina National Arbiters Alexander “Alex” Dinoy, Alfredo Chay at Christian Javier.

Ang iba pang executive pawnpushers na naka abante sa Round-of-16 ay sina Clark Dela Torre na namayani kontra kina Erwin Calar at Joselito Cada, ayon sa pagkakasunod; Narquingel Reyes na umibabaw naman kina Zomer Amir at engineer Angel Tambong; Eduard Sumergido na binsura sina lawyer Jose Aspiras at National Master Francis Jocson; Wilhelm Ardiente na nakaungos kina National Master Allan Sasot at Allen Gandia; Professor Rey Reyes na angat naman kina Felix Aguilera at banker Emmanuel Asi at Pagcor bet engineer Ravel Canlas na panalo kina Pampanga Top Real Estate Broker Mark Anthony Yabut at John Franz De Asis.