NAGBUNYI ang Team Philippines nang makamit ni Allison Krystle Perticheto ang gintong medalya sa Senior Ladies division ng 2018 Bosphorus Cup kamakailan sa Silivrikapi Ice Skating Hall sa Istanbul, Turkey.

PERTICHETO: Dangal ng Pilipino

PERTICHETO: Dangal ng Pilipino

Nanguna ang 21-anyos Swiss-Filipino figure skater tangan ang kabuuang iskor na 153.25 sa Short Program and Free Skating segments. Ginapi niya sina Lara Naki Gutmann ng Italy (150.37) at Niki Wories ng Netherlands (136.51).

Sa Short Program segment, pumuwesto lamang sa ika-apat si Perticheto sa iskor na 49.88 sa likod nina Gutmann at Wories. Ngunit, nakabawi ang Pinay sa Free Skating segment sa nakolektang 103.37 puntos laban kay Gutmann (96.39).

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Ang Bosphorus Cup ang premyadong torneo sa international figure skating para sa single skaters at ice dancers sa junior at senior levels

-BRIAN YALUNG