SIMULA sa Saturday, December 8, ay may sarili nang bahay ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Dabarkads

Last Saturday ay pormal nang nag-announce ang mga hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon tungkol sa paglipat nila sa itinayong building ng Eat Bulaga sa Marcos Highway, Marikina City.

Ginastusan ito nang todo, para mas mapaganda at maging espesyal ang bawat episode na ibibigay nila sa kanilang mga televiewers. Kanila na iyon, at magiging tahanan na nila forever.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Since 1995, ang Broadway Centrum na ang naging bahay natin, ngayon after 23 years, lilipat na tayo ng bagong bahay,” sabi ni Bossing Vic. “Sama-sama tayo roon para sa mas masarap, mas mahaba at mas masayang show sa inyong lahat.”

“Pero ngayong Monday, December 3, hanggang sa Friday, December 7, narito pa rin tayo sa Broadway Centrum,” paglilinaw naman ni Master Henyo Joey. “At sa Saturday, sa bago na nating bahay tayo magkikita-kita. Welcome kayong lahat doon.”

Dagdag na announcement ni Bossing Vic, this week ay sasabihin na nila kung paano malalaman ng mga gustong manood sa studio ang pagpunta roon at kung paano sila makapapasok.

Kaya kita-kits, mga Dabarkads, sa new home ng Eat Bulaga simula sa December 8, dahil tiyak na magiging special ang mga presentation ng bawat segment ng show, na nagdiriwang na ngayon ng 40th year.