KULANG ang selebrasyon ng Pasko kapag walang awiting Pamasko. Halos wala na kasing record producer na nagre-release ng Christmas albums. Not a good investment dahil maikli lang ang Christmas season at kung tapos na ang Pasko ay wala nang bibili nito.

Mabuti na lang at may isang Bro. Jun Banaag na ginawang tradisyon ang magpatugtog ng Christmas carols sa kanyang Dr. Love Radio Show sa DZMM as early as June. Wala siyang pakialam kung hindi pabor ang ilan na sobrang aga ng Pasko para sa kanya, dahil mas marami ang fully appreciated ang ginagawa niya.

Ang hindi namin sinasang-ayunan ay ang pagbati ng “Merry Christmas” sa mga nagte-text kay Bro. Jun.

Hindi lang si Bro. Jun, kundi maging si DJ Richard Enriquez ng Yesterday, at si Norma Marco ng Remember When sa DZMM ay nagpapatugtog din ng mga awiting Pamasko.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Golden memories ang dulot nito. Laging nasa playlist ang Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan, at Pasko na Sinta Ko ni Gary Valenciano.

Salamat sa DZMM, at sana ay ituloy lang nito ang magandang tradisyong sinimulan ni Bro. Jun, upang hindi malimutan ng sambayanan ang tunay na diwa ng Pasko kahit pa hindi “ber” months.

-Remy Umerez