NABIKTIMA ng fake news si Carmina Villaroel!

Carmina copy

Nabalita kasing nag-quit na raw siya sa showbiz para sa itinayo niyang skincare company.

May title na “Carmina Villarroel Shocks Fans By Quitting Television And Starting Her Own Skincare Company” ang nasabing fake news.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang masama pa, pati ang PEP ay nadamay sa fake news, dahil pinalabas na sa PEP lumabas ang nasabing balita.

“FAKE NEWS!! This is not true! I’m not quitting showbiz. I’m not endorsing this product and I don’t own a skin care line. I don’t even know if this product exists and I won’t/will not bad mouth or belittle other brands just to promote another. SO PLEASE DON’T BELIEVE THIS NEWS! Nadamay din ang PEP dito. They also used them for this false article,” paglilinaw ni Carmina sa isang post.Ang napansin namin sa mga comment, sinabi na nga ni Carmina na nadamay lang ang PEP at ginamit ang logo nito para palabasing galing dito ang fake news, pero naniwala pa rin ang marami na galing nga sa PEP ang maling balitang iyon.

Hindi na binanggit ni Carmina kung anong skincare company ang pagmamay-ari raw niya at ang rason daw para iwan niya ang showbiz.

Malinaw din namang hindi siya magku-quit sa showbiz, lalo na at sa hino-host niyang Sarap ‘Di Ba? ay kasama pa niya ang kambal niyang sina Cassy at Mavy Legaspi. May primetime teleserye rin na sisimulan si Carmina sa GMA-7 next year.

-Nitz Miralles