BONGAO, Tawi-Tawi – Suportado ng mga mamamayan ng Tawi-Tawi ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni dating Tawi-tawi governor Sadikul Sahali sa isang pagpupulong sa nasabing probinsiya, kamakalawa ng hapon.
Kabilang umano sa sumusuporta sa ratipikasyon nito ay 11 alkalde at constituents ng mga ito.
Nakatakdang ratipikahan ang BOL sa Enero 21 sa gaganaping plebisito sa limang lalawigan na kinabibilangan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Suluy at Tawi-Tawi, at sa Lamitan sa Basilan at Marawi.
Kapag naratipikahan na ay malulusaw na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na papalitan naman ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Posibleng ito umano ang magiging political solution sa Bangsamoro issue o hidwaan sa Mindanao.
-Nonoy E. Lacson