ISANG chess competition na tinampukang 1st Hon. Maria Teresa "Tet" Perez-Naguiat Urdaneta City Fiesta Cup Chess Challenge 2100 and below ang tutulak ngayon sa 3rd floor Event Center, CB Mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon kina tournament officials Edwin Ellazar at Rodney Palaming ang nasabing event ay initiative ni Hon. Maria Teresa "Tet" Perez-Naguiat sa pakikipagtulungan ng CB Mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Bukas ang nasabing event sa mga chess players na 2100 below NCFP ratings base sa November 2018, anuman ang kanilang kasariaan at edad kung saan Women Masters ay puede lumahok.

Maibubulsa ng magkakampeon ang P7,500 plus elegant trophy habang ang second hanggang fifth placers ay tatangap ng tig P5,000 plus elegant trophy, P3,000 plus elegant trophy, P1,500 at P700, ayon sa pagkakasunod.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang makakapasok sa top 10 ay tatangap ng tig P500. May special prizes na tig P500 sa best performer para sa kiddie (13 under), youngest partcipants, lady, high school, college at seniors (60 above).

"Tournament Mode is 7 rounds swiss system using the time control of 20 minutes with 3 seconds increment or 22 mins per player to finish the game. Ground rules will be posted on-site." ayon sa organizing committee.

Ang entry fee ay P250 (outside Pangasinan), P200 (Pangasinan players, lady, high school and seniors) at P150 (kiddies 13under).

Mag call o text sa mga mobile numbers: 0956-822-6178 at 0935-266-2166 para sa dagdag detalye.