MAGSASAMA-SAMA ang mga executives mula sa pinakamalalaking networks sa Pilipinas para magbahagi ng kani-kanilang insights sa media at entertainment industry ng bansa, sa Asia TV Forum & Market (ATF) Leaders’ Summit. Ang nasabing event, na may theme na “The Next New” ay tututok sa pagtuklas sa latest trends at tutugunan ang mga creative challenges sa entertainment content industry ng Asy

Tampok sa panel sina Carlo Katigbak, Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporation, Guido Xavier Zaballero, Chief Marketing Officer ng Cignal TV, Inc., at Vincent ‘Chot’ Reyes, President and Chief Executive Officer ng TV5 Network, Incorporated.

Ang Leaders’ Summit ay bahagi ng ATF at Singapore Media Festival (SMF), na ang Pilipinas ang Country of Focus ngayong taon, sa ilalim ng leadership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

“Ipinagmamalaki namin na ang highlight sa Leaders’ Summit ay ang panel na nakatuon sa Philippine entertainment content, na binubuo ng mga big boss mula sa most influential networks ng ating bansa,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Ang telebisyon at pelikula ay entwined sa iisang industriya at kami ay nagpapasalamat na kinikilala ng Singapore ang mahalagang papel ng Pilipinas sa development ng buong region, content-wise. Dumating ito sa napakagandang pagkakataon kung saan ipinagdiriwang rin natin ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.”

Bukod sa Leaders’ Summit sa ATF, ang FDCP ay magdadala ng 30 companies na binubuo ng film at content producers, buyers, distributors, animation companies, at service providers upang lumahok sa iba’t ibang activities at gumawa ng collaborations para sa future projects.

Ang SMF ang leading international media event ng Southeast Asia, na hosted ng Infocomm Media Development Authority (IMDA). Ito ay isang pagdiriwang ng Asian storytelling na layuning pagsamahin ang creative at media professionals at ipakita ang pinakamahuhusay na talento, trend, at content ng region, kabilang na ang telebisyon, pelikula, at digital media.

Ang ATF Leaders’ Summit ay gaganapin sa Disyembre 4, 2018 mula 2:50 ng hapon hanggang 3:15 ng hapon, sa Level 4, Roselle Ballroom sa Marina Bay Sands.

Ang Singapore Media Festival ay nagsimula na noong November 28 at tatakbo hanggang December 9, 2018.

-REGGEE BONOAN