ANG pahayagang BALITA ay itinuturing na isang institusyon sa pagbabalita tungkol sa lipunan at sa buong bansa.

Sa aking karanasan bilang correspondent nito, naramdaman ko ang karangalan sa pagsusulat sa tabloid na ito simula 1985. Mismong ang mga mambabasa ang naghanay sa BALITA sa mararangal na babasahin, dahil makikita ang ating pahayagan sa mga library sa mga public at private schools—isang prebilehiyong hindi nakakamit ng ibang tabloid.

Noong 1994, ang inyong lingkod ay kinasuhan ng libelo sa korte sa Dasmariñas, Cavite dahil sa pagsusulat laban sa ilang tauhan ng pamahalaan na nasangkot sa pagpapalusot sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Ang isinulat kong iyon ay nagbunsod din ng iba pang reklamo ng ilang pulitiko, hanggang sa tuluyan akong makasuhan.

Inaresto pa ako noon sa aming opisina sa Liwayway Publishing, Inc. sa Makati, subalit makalipas ang ilang pagdinig ay nawala na ang nasabing kaso ko.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

-JUN FABON (Correspondent simula 1985)