NILAGDAAN kamakailan ng pamahalaan ng Palawan ang isang memorandum of understanding (MOU), kasama ng Department of Energy (DoE), para sa programang “DREAMS,” na naglalayong maitampok at maipakilala ang pagpapanatili ng renewable energy.
Ang DREAMS ay nangangahulugang “Development of a Renewable Energy Applications Mainstreaming and Market Sustainability.”
Nitong Miyerkules, nilagdaan nina Palawan Governor Jose Alvarez at DoE Undersecretary Felix William Fuentebella ang MOU para DOE DREAMS national project na pamumunuan ni director Mylene Capongcol at ng United Nations Development Programme (UNDP) country director Titon Mitra.
Sinabi ni Fuentebella na ang proyektong DREAMS ay isang pagtutulungang proyekto ng DoE, UNDP, Global Environment Facility (GEF) at ng limang munisipalidad sa Palawan upang mabawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions sa pamamagitan ng pagsusulong at paggamit ng komersalisasyon sa renewable energy (RE) markets.
“This is a way on how we can integrate responses to answer the energy needs of the province. What we have observed before in the past forums was that everyone has individual plans that were not integrated together. We should understand that we only need efficiency in energization. Let’s not waste our resources because this is for you,” aniya.
Sa Palawan, ang DREAMS ay ipapatupad sa mga bayan ng Cagayancillo, Aborlan, San Vicente, Brooke’s Point at Balabac. Habang sa Pilipinas, ang Palawan at Iloilo ang magiging unang sites.
Dagdag pa ni Feuntebella, inaasahang makatutulong ang programa sa mga local government units (LGUs) sa pagbibigay ng kuryente sa mahigit 20,000 Pilipino, kabilang ang mga residente ng Palawan, na nakatira sa mga off-grid areas ng bansa.
Ang tunguhing ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng apat na panuntunan: “enforcement of a supportive policy and regulatory environment for leveraging investments in RE development and applications at the local level”; “strengthened institutional capacity that can lead to stepped-up RE investment”; “an increased share of RE-based power capacity”; at ang “enhanced RE projects and successful replication of proven and emerging technologies.”
Ibinahagi rin ni Fuentebella na ang DREAMS ang tutulong sa mga LGU sa pagpaplano ng kanilang “local energy initiatives” upang mabisita ng mga mamumuhunan ang kanilang mga bayan na mayroon ng kuryente.
Para naman sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Governor Alvarez ang DoE at ang mga katuwang nitong sektor para sa pagbilang sa Palawan at limang munisipalidad nito sa DREAMS program.
“We are very happy that Palawan is included in the implementation of this program. We have to capture energy to support the areas in the province. This is very promising and it will be able to increase the power capacity all over. No province will succeed without 24/7 power supply,” pasasalamat ni Alvarez.
Naglaan ang mga katuwang na sektor ng $44 million para, sa programa na gagamitin sa pagpapababa ng GHG sa komersalisasyon ng RE markets.
PNA