HINDI na nag-renew ng panibagong kontrata si Kiko Estrada sa Kapuso network pagkatapos itong mag-expire Oktubre ngayong taon. Sa halip, nagbabalik-Kapamilya si Kiko sa ABS-CBN teleseryeng Project Kapalaran.

Kiko Estrada copy

Sa storycon for Project Kapalaran last November 28, sinabi ni Kiko na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa Dos.

“I’m blessed and honored to be here. It’s good to be back,” ani Kiko.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Makakasama ni Kiko sina JM de Guzman at Arci Muñoz sa upcoming Kapamilya series, gayundin ang mga beteranong sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez. Kasama rin sa serye si Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 Alyssa Muhlach, ang It’s Showtime #Hashtag members na sina Kid Yambao at Paulo Angeles, with Kira Balinger.

Photos of the story con were uploaded on social media by the RSB Drama Unit, na siya ring producer ng mga programang Halik at Los Bastardos.

Nauna pa rito, nabanggit ni Kiko sa panayam sa kanya ng PEP na may gagawin siyang zombie movie to be directed by Mikhail Red.

“I have a Star Cinema movie coming up with Joshua [Garcia] and Julia [Barretto]. It’s called Block Z. It’s scheduled in April 2019 but it got pushed back because of their teleserye,” sabi ni Kiko.

The JoshLia love team is currently starring in the Kapamilya prime-time series Ngayon at Kailanman.

Bago siya lumipat sa Dos, sinabi ni Kiko na gagawa sana siya ng isang teleserye sa GMA-7 this 2018.

“I have a teleserye in December but I’m not really rushing into the teleserye because I want a good role. Where the best role is, that’s what I choose.”

Gustong makatikim ng lead character si Kiko, na aniya’y matagal na niyang inaaam-asam?

“I hope so. I deserve a lead role,” sabi ni Kiko.

Isa siya sa bida sa Project Kapalaran, kaya siguro bumalik sa Dos si Kiko.

“It’s always fun to receive good offers. It’s all love and I don’t burn bridges,” paglilinaw niya. “I’m loyal to whoever takes care of me.”

Nabanggit din ni Kiko na may dalawa pa siyang upcoming movies, ang Ang Henerasyon Na Sumuko sa Love, directed by Paul Laxamana, at ang ‘tila May-December affair love story na My Stepmother’s Lover, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

-ADOR V. SALUTA