TAUS-PUSONG pagbati mula sa akin at sa aking pamilya sa ika-47 anibersaryo ng pahayagang BALITA.
Taong 1996 nang ako’y maakusahan ng libel sa Regional Trial Court, Branch 33 sa Guimba, Nueva Ecija ng isang mataas na opisyal ng bayan ng Guimba, at mahigit isang taon kong binuno sa korte ang nasabing kaso, bago ako tuluyang napawalang-sala ni Judge Napoleon Sta. Romana, nang mapatunayang “straight news” at walang malisya ang aking ibinalita.
Malaki ang tulong na naibigay sa akin noong Legal Department ng Liwayway Publishing, na noon ay naglalathala sa BALITA.
Naging patas ang aking isinulat sa provincial news page ng BALITA, na ang editor noon ay si Gng. Pilar Milambiling, habang Editor-in-Chief naman si Ka Celo Lagmay.
Utang ko rin sa BALITA at taas-noo kong ipinagmamalaki na mapabilang sa pamilya ng pahayagang ito sapul pa noong 1988 at ang pagiging lifetime member ng National Press Club of the Philippines (NPC).
Ang tanging naging pamantayan ko sa pagsusulat ay ang Journalism Code of Ethics, bukod sa pagiging “TAO” o pagiging “trustworthy, accurate, objective”.
Marami pong salamat sa pangasiwaan ng naglalathala ngayon ng BALITA, ang Manila Bulletin, at siyempre pa, sa minamahal nating BALITA.
More power and God bless!
-LIGHT NOLASCO (Correspondent simula 1988)