ANG sweet naman talaga ni Daniel Padilla, dahil hindi niya hinayaang bumiyahe mag-isa ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo para sa premiere night ng movie nitong Three Words to Forever sa Los Angeles, California.

Sa post ng Star Cinema, nasa LA na ang dalawa, bagamat hindi nabanggit kung kailan ang premiere night.

Nadagdagan tiyak ang pogi points ni Daniel kay Kathryn sa effort ng binata na samahan siya. Gaya siguro sa naramdaman niya nang sopresahin siya ng BF sa shooting ng movie sa Ormoc City.

“Na-recharge ako nang makita ko si DJ, kaya sumigaw ako at napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa ko. Lalong nawala ang kaba ko sa first day shooting na nangapa ako dahil malayo ang location. First time kong nakapunta ng Ormoc at first time kong makatrabaho ang karamihan sa cast. Malaking bagay talaga ang pagdating niya,” kuwento noon ni Kathryn.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Showing na ang Three Words to Forever, at ang global playdates ay magsisimula sa December 6, at tuluy-tuloy na ang showing hanggang December 16.

Naiwan naman sa ‘Pinas sina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez para i-promote pa ang pelikulang idinirehe ni Cathy Garcia Molina. Bukas nga, nasa Enchanted Kingdom sina Sharon, Tom Esguerra at Joross Gamboa.

Imbitado rin sina Sharon at Richard sa maraming block screenings para sa movie.

-Nitz Miralles