GINAPI ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-16, 25-23, nitong Huwebes para makopo ang solong liderato sa men’s section ng 94th NCAA volleyball tournament sa Lyceum of the Philippines University Gym sa Intramuros, Manila.
Sinandigan nina Ridzuan Muhali, Ronniel Rosales tat last year’s rookie MVP Joebert Almodiel ang Altas sa naiskor na pinagsamang 32 puntos para sa ikalawang panalo.
Nauna nang pinulbos ng Perpetual Help ang San Beda, 25-20, 25-23, 25-15.
Bunsod nang panalo nabuhay ang kampanya ng Perpetual Help na mapatili ang status bilang pinakadominanteng koponan taglay ang anim na kampeonato sa loob ng nakalipas na walong taon.
Kumana si Joshua Mina ng 15 puntos para sa EAC (1-1).
Sa juniors’ play, nagwagi ang defending champion Perpetual Help sa EAC, 25-19, 25-12, 25-16, para makisosyo sa liderato ang Arellano U (2-2),
Nakumpleto ng Perpetual Help ang isang araw na ‘sweep’ nang magwagi rin ang womewn’s team laban sa EAC, 25-15, 25-8, 25-16.
Nanguna si Team Captain Maria Aurora Tripoli at Necelle Mae Gual sa Altas para pawiin ang kalungkutan nang mabigo sa San Beda, 21-25, 26-24, 25-20, 24-26, 12-15 may isang linggo na ang nakalilipas.