Nais ni Senator JV Ejercito na itaas pa ang buwis sa sigarilyo upang magamit na pondo para sa Universal Health Care (UHC) Law.

Paliwanag ng senador, karagdagang P90 bawat kaha ang nais niya, mas mataas sa P60 panukala ni Senator Manny Pacquiao, at P45 naman ang sa Kamara.

“Right now I have already filed an increase in sin taxes, particularly in tobacco tax because in the Asian market, we have still the lowest, if not the lowest, price of tobacco products per pack,” sabi ni Ejercito.

Iginiit pa ni Ejercito na ang Pilipinas pa rin ang isa sa may pinakamurang presyuhan ng sigarilyo sa Asya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

-Leonel M. Abasola