LABIS ang pasasalamat nina Ken Chan at Rita Daniela sa mga netizens na sumusubaybay sa kanilang Afternoon Prime drama series na My Special Tatay. Nagustuhan nila ang love confession ni Boyet (Ken) kay Aubrey (Rita), at ang kagustuhan ng una na pakasalan ang ina ng kanyang Baby Angelo.

Nakaka-good vibes dahil ginawa ni Boyet ang love confession sa gitna ng basketball court, na pinalakpakan ng mga tagaroon sa tenement house na tinitirahan nila.

Ang nasabing love confession ni Boyet ay umabot na ng more than 2.4 million views at 18,000 shares, at counting pa until now sa Facebook ng serye. Ikinatuwa rin nila iyong eksena na ikakasal na sina Boyet at Aubrey, at karga niya si Baby Angelo. Magmadali raw sila dahil hinihintay na sila ng Nanay Aubrey nito, at makakagalitan daw sila nito kung mahuhuli sila sa kasal.

Well-loved ng televiewers ang story ng My Special Tatay, dahil napatunayan daw nitong kahit may disability ang tao ay nararamdaman naman ng puso nito ang pangangailangan bilang tao, lalo na pagdating sa pagmamahal.

Tsika at Intriga

Willie Revillame, kinuhang fitness coach ang sports therapist ni Carlos Yulo

Kaya sa story nga, binigyan na ng kalayaan nina Isay (Lilet) at Edgar (Jestoni Alarcon) ang anak nila na magpakasal kay Aubrey.

Iyon nga lang, wish ng mga netizens na magbago na si Aubrey sa pakikitungo kay Boyet at mahalin na niya nang totoo ang kanyang mister, hindi lang dahil mayaman ang tatay at lola nito.

Napapanood ang My Special Tatay daily, after ng Ika-5 Utos.

-NORA V. CALDERON