Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport network company (TNC) na akuin ang responsibilidad sa pagkasawi kamakailan ng isa nitong pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, kinausap na niya ang Grab, ang kumpanyang nagbigay ng accreditation sa transport network vehicle service (TNVS) car na sangkot sa aksidente, na panagutan ang pagkasawi ng pasahero bilang bahagi ng legal obligation ng kumpanya.

Kinakailangan din aniyang umaksiyon ang kumpanya, kabilang na ang pagbibigay ng financial at moral assistance sa mga naulila ni Marko De Guzman.

Si De Guzman, 20, engineering student ng University of Sto. Tomas (UST), ay binawian na ng buhay nitong Martes matapos ang mahigit isang buwang pagpapagamot sa ospital makaraan ang aksidente.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bumangga sa isa pang sasakyan ang Grab car na sinasakyan ni De Guzman bago ito sumalpok sa poste ng Light Railway Transit (LRT) sa Maynila.

Kaugnay nito, pinagsabihan na rin ni Delgra ang Grab na disiplinahin ang driver na sangkot sa insidente.

-Alexandria Dennise San Juan