IGINAWAD ng BroadwayWorld UK kay Rachelle Ann Go, isang international musical theater actress, ang award na Best Actress in a New Production of a musical, nitong Miyerkules.

Rachel copy

Nagwagi si Rachelle Ann bilang Best Actress para sa kanyang pagganap bilang si Eliza Schuyler sa West End production ng Hamilton ni Lin Manuel Miranda.

Nasungkit din ng Hamilton ang Best New Production of a Musical, Best Actor in a New Production of a musical para kay Giles Terera sa kanyang pagganap bilang si Aaron Burr at Best Supporting Actor in a New Production of a Musical para kay Jason Pennycooke para sa kanyang role bilang si Thomas Jefferson. Unang ipinalabas sa Broadway noong 2015, ang Hamilton, ay isang sung-and rapped-through musical tungkol sa buhay ng American Founding Father na si Alexander Hamilton, na nilapatan ng musika at liriko ni Lin-Manuel Miranda.
Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?