Magandang balita sa mga consumers, partikular sa mga may-ari ng karinderya.

Magpapatupad ng big-time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng Disyembre.

Sa maagang abiso at pagtaya ng Eastern Petroleum, posibleng tapyasan ng P5 ang kada kilo ng cooking gas, katumbas ng P55 bawas-presyo sa bawat 11-kilo regular na tangke ng LPG, sa Sabado, Disyembre 1.

Ayon pa sa nasabing kumpanya, posible pang madagdagan ang price rollback depende sa takbo ng trading o bentahan nito hanggang ngayong Biyernes.

Probinsya

3 menor de edad, hinampas umano ng bato; 1 patay, 2 kritikal!

Ang nagbabadyang bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Nobyembre 1, nagbaba ang Petron ng P7.50 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P82.50 na tapyas sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG nito.

May tapyas din na P4.20 ang kada litro ng Auto-LPG ng Petron.

Samantala, Oktubre 1 naman huling nagtaas ng mahigit P2 ang kada kilo ng LPG ng Petron at Solane.

-Bela Gamotea