Nag-alok si Pangulong Duterte ng P1-milyon pabuya sa bawat maaarestong pulis na sangkot sa pagbebenta ng nakukumpiskang ilegal na droga sa Mindanao.

Katwiran ng Pangulo, ayaw niyang mahaluan ng scalawags ang hanay ng pulisya.

Ang nasabing reward ay ibibigay sa mga impormante, kabilang ang mga sundalo, para sa ikadarakip ng bawat “ninja cop” at iba pang bugok na pulis sa naturang lugar.

“I am mad about it because I said it will destroy the nation. And those policemen who think they are so tough, I told you I will kill all of you, all of you. I will really finish you all off. Gusto ninyo? Inyong ulo patungan ko ng 500,000?” sinabi ni Duterte nang dumalo sa groundbreaking ceremony ng Ozamiz airport modernization project.

Probinsya

3 menor de edad, hinampas umano ng bato; 1 patay, 2 kritikal!

“Now all of you identified by mayor before, are you still threatening people? O one million. Those ninjas who are here in Mindanao, one million,” aniya pa.

Maaari rin aniyang hatiin ng mga impormante ang pabuya upang mapakinabangan naman ito ng military, na huhuli sa mga bugok na pulis.

“The Army would be happy sharing the 500,000. That’s just one bullet. I have a lot of money if money is what you want. I will place 500 value for your head. If you are really hard-headed, then one million,” sabi pa ni Duterte.

-Genalyn D. Kabiling