NANG magkita ang mga leader ng G20 (Group of Twenty), ang namumuno sa ekonomiya ng mga bansa sa mundo, sa Buenos Aires, Argentina, nitong linggo, ang kanilang atensiyon — at ng buong mundo — ay nakatuon sa mga leader ng dalawang bansa — ang United States at China.
Ito ay dahil ang malaking pagkakaiba ng dalawang bansa ay nakaaapekto sa buong ekonomiya sa mundo, na pinatindi ng trade war na kinabibilangan ng gantihan sa taripa sa bilyun-bilyong dolyar, nakaapekto sa pandaigdigang merkado.
May mga umasa na sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping ay magkaroon ng kasunduan sa idinaos na Asia-Pacific Economic Cooperatiom (APEC) Summit sa Papua New Guinea, ngunit bigo ang dalawa, kaya sa unang pagkakataon ay hindi nag-isyu ang APEC ng pormal na pahayag.
Sa gitna ng kanilang ‘di pagkakasundo ay ang trade war na inilunsad ni President Trump laban sa China, nagpatupad ng 10 porsiyentong taripa sa $200 bilyong produktong China, nakatakdang tumaas sa 25% sa Enero 1, 2019. Nais ng US na tapyasin ng China ang $375 billion trade gap, paunlarin ang US access sa merkado, at protektahan ang intellectual property ng mga kumpanya ng US. Gumanti ang China sa pagkakaroon ng sariling taripa sa mga produktong China.
Hiniling ng US sa World Trade Organization (WTO) na ipagbawal ang subsidiya ng China para sa state-owned enterprises at pagsasanay na pilitin ang mga mamumuhunan na hawakan ang ibang mahahalagang teknolohiya. Sinabi ng China na ang mauunlad na mga bansa — hindi binanggit ang mga ito — ay nagkakaloob ng “excessive” agricultural subsidies, na umaasang mapanghawakan ang kanilang pamumuno at hindi hahayaang umunlad ang iba.
Sa isang pagkakataon, sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas, sinisi ni Pangulong Duterte ang US-China trade war sa nararanasang pandaigdigang problema na nagpapatindi sa sariling mga problema ng Pilipinas.
Muling magkikita sina Trump at Xi at ang iba pang world leaders sa G20 summit sa Buenos Aires sa Nobyembre 30 at Disyembre 1, matapos ang pagpupulong ng G20 finance ministers at central bank governors. Sa isang news conference sa Beijing, sinabi ni China’s Vice Commerce Minister Wang Shouwen na umaasa siya na sina Trump at Xi ay magkasundo sa pamamagitan ng patas na konsultasyon, pantay na benepisyo, at tiwala.
Umaasa na ang buong mundo, kabilang tayo sa Pilipinas, ay nagbibigayan. Pinalamya ng trade war ang pandaigdigang kalakalan, na nagpahirap sa mga bansa. Kapag ito ay nagpatuloy, pinangangambahan ang World Trade Organization, gayundin ang kalagayan ng ekonomiya sa buong mundo.