BUKAS sa anumang kasunduan at talakayan ang Philippine Table Tennis Federation, Inc. sa iba pang grupo sa komunidad para maisulong ang pagkakaisa.

NAGPAHAYAG ng kanilang mga saloobin sa isyu sa kani-kanilang sports sina (mula sa kaliwa) Alvin Aguilar ng wrestling at URCC, Ting Ledesma ng table tennis, Jeremy Go at coach Ednalyn Hualda ng Go-for-Gold, sa ginanap na TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa NPC bldg. sa Intramuros, Manila.

NAGPAHAYAG ng kanilang mga saloobin sa isyu sa kani-kanilang sports sina (mula sa kaliwa) Alvin Aguilar ng wrestling at URCC, Ting Ledesma ng table tennis, Jeremy Go at coach Ednalyn Hualda ng Go-for-Gold, sa ginanap na TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa NPC bldg. sa Intramuros, Manila.

Iginiit ni PTTF president Ting Ledesma na napapanahon ang panawagan na pagkakaisa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez upang maisulong ang tunay na reporma at solid na programa bago ang gaganaping Southeast Asian Games sa bansa sa susunod na taon.

“Better days in table tennis are surely coming. PSC Chairman Ramirez and I had a very cordial and lively meeting at the PSC office last Wednesday,” pahayag ni Ledesma sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club (NPC) Bldg., sa Intramuros, Manila.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We share the same observation that table tennis is one sport which can deliver the medals in the coming SEA Games, which we are hosting next year,” ayon sa dating miyembro ng National Team.

Ayon kay Ledesma, pinayagan ng PSC ang kanilang request na gastusan ang Korean coach na si Kwon Mi Sook, nagsilbing coach ng namayapang Olympian na si Ian Lariba at ng national team mula ppa noong 2015.

Iginiit ni Ledesma na nagmula sa sarili niyang bulsa ang ibinayad sa Korean coach mula noong 2015. “because we have to take advantage to get the services of such talented Korean table tennis star,” aniya.

Aniya, tumutulong din si Kwon sa matibay na relasyon ng bansa sa Korean Table Tennis Association.

Nilinaw naman ni Ledesma ang isyu sa ‘ unliqiuidated financial assistance’ ng table tennis sa PSC.

“In the first place, the PTTF cannot liquidate something we did not receive. The past table tennis group should be the one to answer questions about the unliquidated financial assistance given to them by the PSC,” pahayag ni Ledesma, patungkol sa TATAP na dating kinikilala ng POC.

Sa kabila nito, sinabi niyang handa siyang makiisa sa layunin para sa pagpapalawak ng table tennis sa bansa.

“ I know I can lead PTTF well because I have no vested interest init and I have no business dealing with table tennis to protect,” aniya.

-Edwin Rollon