Makararanas ng malamig na panahon ang 21 lalawigan sa Northern at Central Luzon bunsod ng amihan o northeast monsoon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bukod sa lamig ng panahon, makararanas din ng mahinang pag-ulan sa mga tinukoy lugar.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Pinag-iingat din ng PAGASA ang publiko sa paglalayag sa baybayin ng northern Luzon, silangang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa malalakas na alon dulot ng malakas na hanging nagmumula sa Hilagang Silangan ng bansa.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

-Ellalyn De Vera-Ruiz