PANGUNGUNAHAN nina San Miguel trio Junemar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter sampu ng Ginebra quartet nina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at LA Tenorio ang 12-man Team Pilipinas na lalaban kontra Kazakhstan ngayon sa fifth window ng FIBA World Cup qualifiers sa MOA Arena.

Yeng Guiao

Yeng Guiao

Kukumpletuhin naman nina Rain or Shine veterans Gabe Norwood at Beau Belga, Poy Erram ng Blackwater, Matthew Wright ng Phoenix at naturalized player Stanley Pringle ng NorthPort ang 12-man team ni national coach Yeng Guiao.

Tatangkain ng koponan na inihayag ni Guiao sa isang espesyal na sendoff na ginanap sa Meralco compound sa Ortigas ang taglay na 5-3, panalo-talong marka ng National Team upang umangat sa kasalukuyang kinalalagyang pangatlong puwesto sa Group F.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 12 manlalarong nabanggit ay para lamang sa laban kontra Kaxakhstan dahil puwede pa itong mabago sa Lunes para naman sa nakatakdang laban kontra Iran.

Ang mga hindi nasama sa Final 12 ay sina Paul Lee ng Magnolia, Arwind Santos ng San Miguel, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT, Gilas cadet Ricci Rivero ng University of the Philippines at Batang Gilas cager Kai Sotto ng Ateneo.

Hindi rin nakasama si Christian Standhardinger ng San Miguel dahil sa ruling na isa lamang naturalized player ang puwedeng palaruin sa isang team sa Fiba-sanctioned competitions.

Nauna namang nagpaalam si Ian Sangalang ng Magnolia dahil kinakailangan nitong maka recover sa kanyang injury.

Inaabangan sa nabuong lineup ang maipapakita ng Twin Towers na sina Slaughter at Fajardo gayundin ng matitinik nilang backcourt sa pamumuno nina Cabagnot at Tenorio.

-Marivic Awitan