Binalaan kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa mga ibinebentang expired food items, partikular sa mga bangketa.

Sa pahayag ng FDA, dapat maging mapanuri ang publiko sa mga binibili, lalo na sa pang-Noche Buena.

Kasunod ito ng pagkakakumpiska sa ilang processed foods na ibinebenta sa may Quiapo, partikular sa Carlos Palanca, na pawang malapit na ang expiration date.

Sa raid kamakailan ng FDA at National Capital Region Police Office (NCRPO), nadiskubre na pinalitan ang expiration date na nakatatak sa bawat lata at sachet ng Noche Buena products, na ang iba ay ipinaplastik o ibinebenta nang tingi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa mga produktong ito ang hotdog, tomato sauce, fruit cocktail, at iba pa.

Sinabi ng FDA na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nahuling nagtitinda ng mga expired goods, na may masamang epekto sa katawan at kalusugan ng mga makakakain nito.

-Bella Gamotea