SUBIC BAY FREEPORT – Patay si United Auctioneers Inc. chief executive officer (CEO) Dominic Sytin nang pagbabarilin sa Subic Bay freeport complex sa Zambales, kamakalawa ng gabi.

SAPAT NA EBIDENSIYA Sinisiyasat ng mga awtoridad ang lugar kung saan pinatay si United Auctioneers Inc. CEO Dominic Sytin, na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng gabi. (JONAS REYES)

SAPAT NA EBIDENSIYA Sinisiyasat ng mga awtoridad ang lugar kung saan pinatay si United Auctioneers Inc. CEO Dominic Sytin, na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng gabi. (JONAS REYES)

Dead on the spot si Sytin, 51, dahil sa mga tama ng bala sa likod at ulo.

Nasa malubhang kalagayan naman ang bodyguard niya na si Efren Espartero, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Sa ulat, naglalakad ang biktima, kasama si Espartero, sa

Waterfront Road patungong Lighthouse Hotel nang barilin ng isang lalaki, dakong 7:30 ng gabi.

Nagawang makipagbarilan ni Espartero, ngunit nakatakas pa rin ang suspek sakay sa isang motorsiklo.

Matapos ang insidente, agad na iniutos ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Wilma Eisma ang pagpapatupad ng maigting na seguridad sa lugar.

"The Subic Bay Metropolitan Authority condemns in the strongest possible term what is apparently a targeted assassination of a business locator in the Subic Bay Freeport Zone," ayon pa kay Eisma.

-Jonas Reyes