FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dati tungkol kay Zsa Zsa Padilla dahil may sitsit na tinanggal na siya sa bagong ASAP Natin ‘To dahil hindi pa siya napapanood sa show.

Zsa Zsa lang po copy

Nabanggit naming hindi sumipot ang Divine Diva sa launching ng ASAP Natin ‘To dalawang linggo na ang nakararaan at ang sabi, may tampo raw si Zsa Zsa dahil semi-regular na lang siya.

Isa si Zsa Zsa sa loyal sa programa sa loob ng 23 years kaya hindi maiwasan na marami ang magtanong kung bakit ‘tila nawala siya nang mag-reformat ang ASAP.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakadagdag pa ang post niya sa kanyang IG account na: “I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart.”

Hindi tinanggal o tsinugi si Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To, siya lang daw ang hindi sumipot sa launching. Semi-regular ang status niya maski noong hindi pa nag-reformat.

“Nu’ng nag-reformat ang ASAP same rin as semi-regular,” say ng tags-ABS-CBN sa amin.

May nag-comment na dahil daw sa pagpasok ni Regine Velasquez kaya nawala si Zsa Zsa.

“Hindi naman siguro siya nairita kay Regine kasi mabait naman ‘yang si Zsa Zsa,” sabi pa ng kausap namin.

Hirit namin, “Loyal kasi si Zsa Zsa sa ASAP kaya siguro ganu’n ang naramdaman niya.’

“Hindi naman porket loyal ka, mag-e-expect ka sa programa,” katwiran naman ng isa pang taga-Dos.

Sabay sabi sa amin, “Alamin mo nga, nag-resign na raw si Zsa Zsa sa ASAP.”

Posible, kasi nga hindi na siya sumisipot sa show. Dagdag pa na nag-post siya sa IG ng: “Hi, friends. I am spending the weekend at our happy place with Conrad.”

Nakuwento ng Divine Diva na magpapatayo sila ng resort na papangalanang Casa Ezperanza, na tunay niyang pangalan.

“I also want to share with you that we already had the name, CASA ESPERANZA approved. We dream to make this place a destination of sorts in 2020. I’m super excited!

“To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right? Something that we all should always have- Hope in keeping our dreams alive, hope in people, hope in the future of our children and hope each act of kindness brings happiness to others.

“I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL. Love and peace to everyone.”

-REGGEE BONOAN