PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap ng batas ang pagbuo ng Philippine Sports Training Center(PSTC) matapos na maprubahan sa bi-cameral conference.

Ang PSTC ay isinusulong ni Senador Manny Pacquiao, chairman ng senate sports committee, upang maglinang ng mga de kalibreng atleta na posibleng makapagwagi ng gintong medalya sa Olympics.

Mayroong inisyal na P3.5 bilyon na pondo ang PSTC na dapat isama sa

General Appropriations Act (GAA) na inilalaan sa Philippine Sports Commission (PSC).

Bukod kay Pacquiao at Sen. Joel Villanueva, kasama din sina Senator Bam Aquino at Sonny Angara sa mga nagsulong ng naturang batas.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Iginiit ni Pacquiao na kailangan ng ating mga atleta ng maayos na

tirahan at mga pasilidad na siyang makakatulong sa kaniilang

pagsasanay.

Naniniwala rin si Pacquiao na sa pamamagitan ng PSTC, makakaasa ang

sambayanan na madadagdagan ang mga nasusungkit nating medalya sa mga international sports event.

-Leonel M. Abasola