Umaapela ang Department of Health (DoH) sa pribadong sektor ng lipunan na paigtingin ang kanilang kampanyang nagbabawal na manigarilyo sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Ito ay kasunod na rin ng paglulunsad ng DoH sa bago nilang kampanyang ‘Revolution Smoke-Free’.

Layunin ng nasabing hakbang na manawagan sa mga private sector na magpatupad ng pagbabawal na manigarilyo sa kani-kanilang lugar.

Nakikiusap din ang DoH sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya na hikayatin ang kani-kanilang empleyado na “itigil na ang paninigarilyo” upang mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit dulot ng paninigarilyo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Business leaders are at the forefront of progress and innovation. As drivers of change in their industries, they have the power to spur a movement towards a future with healthier and safer working environments,” paglalahad ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Gundo Weiler.

Ang nasabing hakbang ay inilunsad ng DoH at ng Philippine Economic Zone Authority - Baguio City Economic Zone (PEZA - BCEZ), sa pakikipagtulungan pa rin ng WHO, sa Baguio City, kamakailan.

Ayon sa DoH, kaya nila ito inilunsad sa summer capital ng bansa dahil obligasyon nilang unahin ang kalusugan ng mamamamayan sa tulong na rin ng Comprehensive Anti- Smoking Ordinance ng nasabing lungsod.

“We believe we must act with urgency to denormalize the culture of smoking and tobacco consumption not only in our economic zone but across the city so we can save the lives of our people,” pahayag naman ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan.

-Analou De Vera