TAMA lang na nang muling magpulong ang Screening Committee ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) para pumili ng apat pang official entries ay nanguna sa napili nila ang Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment Productions.

Eddie, Gloria at Tony

Tampok sa pelikula sina Eddie Garcia, Ms. Gloria Romero at Tony Mabesa. Kasama pa rin sina Tirso Cruz III, Sunshine Dizon at Aiko Melendez, Max Collins, Jim Pebangco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes, Hero Bautista, at marami pang iba.

May special participation din si Albie Casiño at introducing si Sheido Roxas.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Sa direksiyon ito ng multi-awarded na si Joel Lamangan, sa screenplay ni Eric Ramos, at director of photography si Rain Yamson II.

Nakasaad sa press release na “family drama fit for Christmas” ang Rainbow’s Sunset dahil magsisimula itong ipalabas in cinemas nationwide simula sa Christmas Day, December 25.

Nagkaroon kami ng chance na mapanood ang press preview nito sa Fisher’s Mall VIP Cinema at totoo namang tamang-tama ang mga pinili nilang gumanap sa kani-kanilang role sa story na binuo nina Ferdinand Lapuz, Eric Ramos, at Direk Joel.

Story of friendship, na nagsimula noong mga bata pa sina Ramon (Eddie) at Fredo (Tony) at pagmamahalan nang unang magkakilala sina Fredo at Sylvia (Gloria), pero si Ramon ang pinili ni Sylvia. Tatalakayin din sa movie ang mga problemang pinagdadaanan ng isang pamilya at ang tanging makakalutas lamang ay ang ama ng pamilya, ang “Rainbow’s Sunset”.

Tinitiyak namin sa inyong hindi kayo manghihinayang na panoorin ito, kasama ng iba pang kalahok sa MMFF 2018.

May paalaala lang kami: Huwag kalimutang magdala ng pamahid ng luha. Masaya man o malungkot, ‘di ba umiiyak din tayo?

-NORA V. CALDERON