Naniniwala si Jeremy "The Jaguar" Miado na walang hindi kayang maabot sa buhay ng walang pagsusumikap at disiplina, ang dalawang katangiang napaunlad niya sa panahon na nagensayo siya ng mixed martial arts.

Nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 23, binuhay niya ang lahat ng tao sa loob ng Mall of Asia Arena sa second-round technical knockout niya kay Peng Xue Wen sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS.

“No doubt my victory in front of my countrymen was the result of my hard work and will to win,” sabi niya.

“I trained almost every day to sharpen my tools inside the cage. We were able to do all the adjustments that we planned heading into that bout and executed them perfectly.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Binanggit din ni Miado ang mga natanggap niyang tulong noong nagensayo siya sa ibang bansa ng halos dalawang linggo noong Oktubre.

Para sa paghahanda niya sa laban niya sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS, umalis muna siya sa bahay niya sa Marikina City, Philippines parang mag-training sa Kinabalu-based Borneo Tribal Squad sa ilalim ni AJ “Pyro” Lias Mansor.

While at the Malaysian gym, he further developed his grappling and strengthened his already fierce stand-up game.

“The things I learned at Borneo Tribal [Squad] were definitely essential in my victory over Peng," bahagi niya.

"My takedown defense was enhanced, which was very evident on that evening. The different drills helped me add power to my strikes."

Ngayong nakabalik na sa winners column si Miado, mas buo na ang loob niyang sa maging mas magaling na mixed martial artist at makagawa ng momentum sa susunod na taon.

“Seeing positive results inspires you to push yourself more to the limit," paliwanag niya.

"My win in Manila is just the beginning. Expect more explosive performances from me this coming 2019. The best is yet to come.”