NAKATAKDANG ihayag ngayong araw ni National coach Yeng Guiao ang final 12 roster na bubuo sa Team Pilipinas na isasabak kontra Kazakhstan sa penultimate window ng FIBA World Cup qualifiers bukas ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayon kay Guiao, ibabatay nila ang seleksiyon sa naging performance ng 20 mga miyembro ng national pool sa nakaraang apat nilang tune-up matches at nakaraang mga ensayo.

Sa kabila ng naging resulta ng kanilang apat na tune-up matches (tig-2) kontra Jordan at Lebanon kung saan nakaisang panalo lamang sila kontra sa una, optimistiko si Guiao na maganda ang ipapakita nilang laban kontra Kazakhstan.

Bagama’t aminadong nakaramdam ng pagkadismaya sa nakaraan nilang tune-up series.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yung competitive nature medyo disappointed ako because I felt they could have exert more effort,” pahayag ni Guiao.”But we’re positive naman we can play a good game against Kazakhstan on Friday.”

Sisimulan ng Team Pilipinas ang kampanya sa fifth window ng qualifier bukas kontra Kaxakhstan na susundan ng laban nila kontra Iran sa Disyembre 3 sa parehas ding venue.

-Marivic Awitan