MULING masisilayan ang husay nina seven-time Philippine executive chess champion Dr. Jenny T. Mayor ng Mayor Dental Clinic, Atty. Cliburn Anthony Orbe ng Alphaland Corporation, Dr. Alfredo “Fred” Paez ng Jolly Smile Dental Clinic ng Cabuyao, Laguna, Information Technology expert Joselito Cada ng Quezon province at National Master (NM) Jose Efren Bagamasbad ng Galas, Quezon City sa pakikipagtagisan ng talino sa kani-kanilang katungali sa knock-out stage ng Alphaland National Executive Chess Championships Grand Finals.
Inorganisa ng Philippine Executive Chess Association, ang Final round 61 ay susulong sa Disyembre 1 sa Activity Hall, 2nd Floor, Alphaland Makati Place, Ayala Avenue corner Malugay Street, Makati City.
“[There’s] too much pressure out there. Maybe if I can win a few matches I’m gonna play good without pressure but now, too much,” sabi ng Mayor.
Magugunita na si Dr. Mayor na tubong Odiongan, Romblon ay giniba si National Master (NM) Francis Jocson sa sixth at final round tungo sa 5.5 points mula five wins at draw sa six outings para magkampeon sa Philippine Executive Chess Association (PECA) 4th leg Alphaland National Executives Chess Circuit Visayas Leg na ginanap sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan nitong Abril 28, 2018, para makapasok sa Final 64, na isasahimpapawid ng live worldwide sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.
Makakatapat ni Mayor si National Master (NM) Wilfredo Neri ng Kalibo Aklan sa single elimination o knock-out format na suportado ng Alphaland Corporation na may whopping total pot prize humigit sa P200,000 kung saan ay maibubulsa ng magkakampeon ang lion share P50,000 habang P30,000 naman ang matatangap ng runner-up place na ipapatupad ang 25 minutes + five seconds per move bawat manlalaro para tapusin ang laro.
Makakalaban naman ni lawyer Orbe si La Salle coach Susan Grace Neri.
“I expect a tough game, pero kakayahin natin,” sabi ni Orbe, ang over-all PECA Grand prix topnotcher na tinulungan ang Team Orbe sa over-all second play finish sa Mayor Jojo Palma at Atty Gerry “Titing” Albano Tatluhan Chess Tournament nitong Nobyembre 18 sa Heros Hall, AIM Coop sa Aurora, Zamboanga del Sur.
Ang iba pang banggaan sa Final 64 matches ay sa pagitan nina Dentist Paez vs former Barangay Captain and sportswriter Jaime Frias II, Cada vs giant killer Reymond Jacob Baon, NM Bagamasbad vs National Master (NM) Francis Jocson ng Capiz, Pampanga Top Real Estate Broker Mark Anthony Yabut ng M.A.Yabut Realty vs engineer Ravel Canlas ng Pagcor, Diwa Learning Systems, Inc. Audit manager Ricky Navalta vs Rhynan Arce ng Cotabato City, banker Emmanuel Asi vs engineer Joel Hicap at Joselito Asi ng DepEd vs Allen Gandia ng Imus, Cavite.