Iniluklok kahapon ni Pangulong Duterte si Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong Supreme Court (SC) Chief Justice.

Si Bersamin ay hinirang bilang mahistrado ng Korte Suprema noong Abril 2009.
Nagsilbi rin siyang mahistrado ng Court of Appeals simula 2002-2009, at Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 96 noong 1986 hanggang 2002.
Samantala, itinalaga rin ng Pangulo si Court of Appeals (CA) Associate Justice Rosemari Carandang bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Si Carandang ang ikatlong most senior justice ng CA.
-Beth Camia