Sumuko ngayong Huwebes ang pitong pulis-Las Piñas na isinasangkot sa robbery extortion, matapos nila umanong hulihin at dukutin ang isang drug suspect nitong Nobyembre 21.

SUMURENDER Iniharap ngayong Huwebes kay NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pitong pulis-Las Piñas na sumuko sa kinahaharap na kasong robbery extortion. (ALI VICOY)

SUMURENDER Iniharap ngayong Huwebes kay NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pitong pulis-Las Piñas na sumuko sa kinahaharap na kasong robbery extortion. (ALI VICOY)

Sa ulat ni Senior Supt. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, sumuko sina PO1 Erickson Rivera, PO3 Joel Lupig, PO2 Vener Guanlao, PO1 Mark Jefferson Fulgencio, PO1 Jeffrey De Leon, PO2 Jayson Arellano, at PO1 Raymart Gomez, pawang dating nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City Police.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Unang sumuko si PO1 Rivera kay Senior Supt. Ruel De Leon, hepe ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO, at nagsunud-sunod na ang pagsuko kay Senior Supt. Cruz ng anim na iba pa.

Natukoy ang pitong pulis na kumidnap umano sa drug suspect na si Wency Ligutan, nitong Nobyembre 21, matapos na madakip ang isang 13-anyos na ginawa umanong kubrador sa isang entrapment operation ng Las Piñas Police, Silang Police, at Cavite Police Provincial Office.

Positibo ring itinuro ng menor de edad at ni Ligutan ang pitong pulisn na responsible umano sa pagdukot kay Ligutan, na hiningan umano ng mga suspek ng P200,000 ang kapatid ng drug suspect na si Shelane Ligutan, hanggang sa magkatawaran sa P30,000 kapalit ng paglaya ng biktima.

-Bella Gamotea