NASORPRESA ang Megastar na si Sharon Cuneta sa episode ng Magandang Buhay nitong nakaraang Lunes, kung saan siya ang guest, dahil binisita siya ng mga miyembro ng Gong Yoo Fans Club PH sa morning show at bigyan ng membership form. Hindi naman nag-atubili si Sharon at agad niyang pinirmahan ang form at heto nga, opisyal nang miyembro ng nasabing fans club ang nag-iisang Megastar.

Sharon copy

Sa parehong episode, ikinuwento ni Sharon ang mga nangyari sa pagbabalik-tambalan nila ni Richard Gomez matapos ang 15 taon.

“Ang hirap dahil 15 years kaming hindi nagkasama sa movie. Ang daming nangyari. Nag-asawa na ako, nag-asawa na siya. Pero at least nakagawa pa kami, kahit may asawa na kami. ‘Yung ‘Minsan Minahal Kita’ tsaka ‘yung ‘Walang Kapalit’. So now is the 30th year ng Sharon Richard love team. So, nakakapanibago, kasi mayor na siya,” pahayag ng Megastar sa mga momshie host na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang pelikulang Three Words to Forever ang muling nagbalik sa tambalang Sharon-Richard. Kasama si Kathryn Bernardo, ang pelikula ay idinirek ni Cathy Garcia Molina.

Inamin din ni Sharon na nailang at nanibago siya sa muling pagsasama nila ng dating ka-love team.

“Nakakailang lang, kasi people change, as they both mature.

“Parang basta, naninibago ako, ‘yung tawag ko nga, ‘if he is still my Richard?’ When I say ‘my Richard’, ‘yung kilala ko. ‘Yung nakasanayan ko,” sabi ni Sharon.

Dagdag ng Megastar, isa sa mga dahilan kung bakit napili ang Ormoc bilang lugar ng kanilang shooting ay para ma-accommodate si Richard bilang Mayor sa nasabing lugar.

Ayaw kasing pumayag ni Mayor Goma na iiwan ang kanyang nasasakupang lugar para lamang gumawa ng pelikula away from his constituents, kaya pumayag ang Star Cinema na kunan sa Ormoc ang lahat ng eksena.

Sa katangiang ito ni Richard napahanga ang megastar, “I’m so amazed how devoted he is at dedicated sa kanyang pagiging public servant. Pero, he’s still one of the best actors that I know.”

Palabas na sa mga sinehan sa buong Pilipinas ang Three Words to Forever ngayong araw, Nobyembre 28.

Kasama din sa pelikula sina Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra, Liza Lorena at Joross Gamboa, mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

-ADOR SALUTA