MATAGAL nang naninindigan si acting Chief Justice Antonio T. Carpio sa kanyang oposisyon sa kawalan ng aksiyon ng administrasyong Duterte sa naging hatol noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, na nagtatakwil sa pag-aangkin ng China sa halos lahat ng bahagi ng South China Sea at pagpapatibay ng karapatan ng Pilipinas sa mga reef, shoals at banks na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Gayunman, sa naging kasunduan kamakailan ng China at Pilipinas sa oil exploration, nagpahayag ng suporta si Justice Carpio nitong Linggo sa Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan sa pagbisita kamakailan sa bansa ni China President Xi Jinping.
Laman ng MOU ang pagbuo ng isang Joint Steering Committee at Working Group na pangungunahan ng foreign affairs at energy ministries ng dalawang bansa. Itinatakda ng MOU na: “The Memorandum of Understanding does not creaete rights or obligation under international or domestic law.”
“I think we’re pretty safe,” saad ni Chief Justice Carpio. “[The MOU] has safeguards to protect our soveignty,” aniya.
Bahagi si Carpio ng Philippine Arbitration Team, na nagtanggol sa posisyon ng Pilipinas sa Permanent Court Arbitration na naglabas ng hatol noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa pag-aangkin ng China sa karapatan sa halos lahat ng bahagi ng South China sea at nagpatibay sa karapatan ng Pilipinas sa Mishief Reef, Second Thomas shoal, at Reed Bank bilang bahagi ng Philippines 370-kilometre EEZ at continental shelf. Nangyari ito sa huling taon ng administrasyong Aquino.
Nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Duterte, idineklara nito na habang naninindigan ang Pilipinas sa hatol ng PCA, pansamantala, papanig ito para sa mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya at kooperasyon sa China sa harap ng paninindigan nito sa ipinaglalabang karapatan.
Handa na ang Pilipinas noong 2016 na simulan ang oil exploration sa Reed Bank, isang malawak na bahagi sa kanluran ng Palawan na nangangako ng senyales ng oil at gas reserves, ngunit sa harap ng ‘di matinag ng pag-aangkin ng China, sinuspinde nito ang planong eksplorasyon. Ngayon, makalipas ang dalawang taon, sa pamamagitan ng MOU na nilagdaan sa pagbisita kamakailan ni President Xi, sa wakas ay maisasakatuparan na ang eksplorasyon sa Reed Bank bilang isang magkatuwang na proyekto ng Pilipinas at China.
At isasakatuparan ito ng walang pangamba na baka isinusuko na natin ang anumang legal at malayang karapatn, dahil sa mga probisyon sa MOU na sinigurado ng ating Department of Foreign Affairs, na pinamumunuan ni bagong Secretary Teodoro Locsin, Jr., na mapapasama sa nilagdaang kasunduan nitong nakaraang linggo.
Umaasa tayo sa malaking ekonomikal na benepisyo na makukuha mula sa kasunduang eksplorasyon, at malugod nating tinatanggap ang kasiguraduhan, inihayag ni Chief Justie Carpio, na may proteksyong ito na isisuguro sa karapatan ng ating bansa.