MAGAAN na naidispatsa ni WBC Asia Boxing Council Silver super bantamweight champion “Magic” Mike Plania ang pipitsuging si Renan Portes

Via 1st round knockout noong Nobyembre 25 sa Robinsons Mall Atrium sa General Santos City, South Cotabato.

Pinaglaruan muna ni Plania si Portes sa unang bahagi ng round bago nagpakawala ng matinding left hook sa bodega ng karibal na bumagsak at nabilangan ng sampu ni referee Alberto Heramil eksaktong apat na sugundo ang natitira sa sagupaan.

“Mike was impressive, 2019 will be a big year for Magic Mike”, sabi ng manedyer ni Plania na si Jim Claude Mananquil ng Sanman Promotions. Napaganda ni Plania ang kanyang kartada sa 17 panalo, 1 talo sa puntos kay dating WBA bantamweight champion Juan Carlos Payano ng Domican Republic sa kanyang unang laban sa Hollywood, California sa United States.Bumagsak naman ang rekord ng tubong Bukidnon na si Portes sa 10 panalo, 9 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

-Gilbert Espeña