Nasa 160,000 sako ng bigas at libu-libong bags ng asukal na pinaniniwalaang ipinuslit sa bansa ang nadiskubreng nakaimbak sa pitong bodega sa Zambasulta (Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi) area kamakailan, sinabi kahapon ng Bureau of Customs (BoC).

Armado ng pitong letters of authority mula kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksiyon ng mga customs agent at mga sundalo ang pitong bodega nitong Nobyembre 9 at 15.

May kabuuang 100,000 sako ng bigas at 30,000 bags ng asukal, na nagkakahalaga ng P160 milyon ang natagpuan sa loob ng Almali Marketing, isa sa mga bodegang sinalakay.

Sinalakay din ang mga bodega ng Hadji Warid Warehouse 1, 2, at 3; ang Minham, Minham 2; at ang Jundilan Warehouse 1 at 2.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nadiskubre sa Baliwasan Warehouse 1 ang nasa 30,090 sako ng bigas at 20 bags ng asukal na nagkakahalaga ng P30 milyon, habang sa Baliwasan Warehouse 2 ay mayroong 28,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P56 milyon.

Betheena Kae Unite