SA panayam ni Boy Abunda sa TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez at Francis Concepcion sa Tonight with Boy Abunda, itinanong ng King of Talk sa tatlong batam-batang singers kung ano ang kanilang reaksyon kapag sinasabing lumaki na ang ulo nila, meaning, nilamon na kasikatan ang kanilang mga pag-uugali at sistema ng pamumuha.

TNT Boys copy

“Hindi po. Gagawin po namin ito para sa pangarap namin kaya hindi po namin gagawin ‘yun. Dapat tatandaan po namin kung saan kami nanggaling para ‘wag namin isiipin na nandito na ako, hindi ko na papansinin ‘yung mga dati kong kalaro,” seryosong sagot ni Mackie.

Ganito rin ang pananaw ni Francis na ginagabayan naman ng mga magulang para wag siya magbago. “Parati ko pong sinusunod ang sinasabi ng aking magulang.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Alam din nila na sooner or later ay magbabago ang boses nila dala ng pagbibinata. Ani Mackie, “’Yung sa akin nag-start na po pero nagpa-fight po siya kasi puro mataas po ang kinakanta namin, nahi-hit ko pa rin po.”

Samantala, may payo raw sa kanila sina Jed Madela at Darren Espanto na kilalang mga belters. Ayon sa TNT Boys, sinabihan sila ni “Coach Jed” na, “kakanta lang po palagi ng mataas.”

Dagdag ni Mackie tungkol naman sa payo ni Darren, “wag daw po mag-stop, shift daw po ‘yan agad kahit one day ka lang magpahinga.”

Natupad na nga ang pangarap nila pagdating sa pagiging singer o artist, pero bilang mga bata, ang pangarap daw ni Francis ay maging “surgery doctor,” si Mackie naman ay maging isang “high school teacher,” habang pangarap naman ni Kiefer na maging isang “civil engineer.”

Unang napansin ang talent ng TNT Boys nu’ng isa-isa silang sumali sila sa segment ng It’s Showtime na “Tawag ng Tanghalan Kids”.

Anyways, handang-handa na trio sa kanilang nalalapit na Listen concert sa Araneta Coliseum ngayong Biyernes, November 30.

-Ador Saluta