NAGBABALIK-showbiz na si Empress Shuck at heto nga, may bago siyang pelikula, ang Kahit Ayaw Mo Na, kasama sina Kristel Fulgar at Andrea Brillantes, mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

Eksena sa 'Paano Kung Ayaw Mo Na'

Tatlong taon na ang anak ng aktres na si Athalia at aminado siyang fulfilled siya bilang ina ng bagets.

“Masaya pala, ang cute niya, madaldal na siya, marami na siyang nalalaman. Perform siya ng perform sa harapan ko, mas artista pa siya kaysa sa akin tapos sobrang daldal, lahat ng sasabihin ko gagayahin lang niya. Enjoy po, sobrang enjoy ako (as a mom),” masayang kuwento ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa tanda namin, bago pa dumating si Athalia sa buhay ni Empress ay plano na niyang iwan ang showbiz sa personal na dahilan.

“Opo, kasi (na-burn out) I started very young po, eh. I started at the age of 7 (years old) and then at the age of 20, ‘yun pa rin ang ginagawa ko, wala namang iba. As in, nandoon lang ako walang iba. Although I get to try different roles, but then nandoon ka pa rin.

“So, I got to the point na sure ba ako? Parang napagod ako hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision and then siguro blessing ‘yun na I have Athalia and it turned out na baka eto na ‘yun kasi sobrang naging happy ako. I found my happiness talaga as in, totoong happiness na unconditional talaga na hindi mo in-expect na may ganitong happiness na dadating sa ‘yo.

“When I had that, mas lalo akong magiging masaya kapag naiisip ko na magte-taping ulit ako, but then still work pa rin kaya hindi mo basta puwedeng binitawan basta-basta lang. Dumating kasi sa point na mawala na ang lahat, basta kasama ko ‘yung happiness ko which is si Athalia and the father of my baby, si Vin (Vino Guingona). Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang to nararamdaman, ngayon ko lang to makukuha sa buong buhay ko na never kong nakuha, so ayaw ko siyang pakawalan.

“Before and after Athalia, na-feel ko na talaga ‘yun (umalis sa showbiz), but then nandiyan si tita Becky (Aguila) hindi pa ako artista nandiyan na siya, para ko na siyang second mother. Ilang beses akong lumapit sa kanya para i-explain na hindi na ako happy, hindi niya ako pinipilit, lagi lang siyang nagbibigay ng peace of mind.

“Sabi niya, ‘I believe in you, sayang!’ Although passion ko naman siya, pero anong magagawa ng passion mo if you’re not happy. So parang I’ll try to find my happiness first and then pagsabayin ko.

“So, there’s this one film po na after I gave birth to Athalia, nag-stop po ako, and then dumating po ‘yung Goyo, Ang Batang Heneral. Nag-audition po ako for that at natanggap po ako and iyon po ang first movie na ginawa ko pagkatapos kong mag-break sa showbiz.

“Sabi po sa akin (tita Becky) kunin mo lang ‘tong Goyo and then after that, nagtuluy-tuloy na po ang projects ko tapos may iba pa akong gagawin.

“So si tita (Becky) binigyan niya ako ng peace of mind (sa showbiz) and then binigyan ko rin ng chance ‘yung showbiz ulit,” ang mahabang kuwento ni Empress.

Kasagsagan ng career ni Empress nang bumitaw muna sa siya sa showbiz, pero sabi niya, “hindi ko po nararamdaman iyon, kasi siguro ganu’n talaga kapag may struggle sa heart mo kasi hindi ko napi-feel. Nandiyan na lahat ng blessings sa ‘yo pero hindi ko maramdaman kasi nga hindi ka whole sa sarili. So ako, parang gusto ko munang buuin kung ano ako.

“So nu’ng bumalik ako (showbiz) buong-buo na ako, so I’m very happy. Open na po ako sa lahat, ang saya mag-work kung alam mo bakit ka nagta-trabaho, alam mo ‘yung result. Masaya na meron kang vision.”

Habang nagkukuwento ang aktres ay may mga pahapyaw kung bakit siya na-burn out sa showbiz. May pinagdadaanan kasi siya noon sa pamilya niya, pero mukhang okay na sila ngayon dahil sabi niya, “okay naman na po ang family ko ngayon.”

Sa murang edad kasi ay si Empress ang naging breadwinner ng pamilya at dahil nagdadalaga at maraming kaibigan sa showbiz, dagdag na sikat pa siya that time, ay hindi niya magawa ang mga gusto niya dahil masunurin siyang anak.

Anyway, naiintindihan na siguro ngayon ng aktres dahil nanay na rin siya.

Kasama rin sa Kahit Ayaw Mo Na na sina Karl Gabriel, Allan Paule, Neil Coleta, Desiree del Valle, at Daniel Matsunaga mula sa Viva Films, Blue Art Productions at Spark Samar, at sa direksyon ni Bona Fajardo. Ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang Kahit Ayaw Mo Na sa Disyembre 5.

-REGGEE BONOAN