Gumagawa ng mga paraan ang mga awtoridad upang maibsan ang inaasahan nang paglubha pa ng traffic ngayong Christmas season.

Sinusuring mabuti ng House Committee on Metro Manila Development ang gagawing mga hakbangin at preparasyon upang mapangasiwaan nang maayos ang trapiko sa Metro Manila ngayong Pasko.

“The experience is that on the advent of Christmas season, the traffic gets worse. I hope we can institute plans to at least minimize the traffic,” sabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng komite.

Sinabi ni retired General Manuel Gonzales, puno ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng Department of Transportation (DOTr), na nakipagtutulungan sila sa mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ng mga chief traffic enforcers ng 17 lokal na pamahalaan, at ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), upang mapag-isa ang mga plano ngayong Pasko at Bagong Taon kaugnay ng problema sa trapiko.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

-Bert de Guzman