Inalmahan ni Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David ang huling batikos ni Pangulong Duterte sa kanya, na nagsabing baka gumagamit siya ng ilegal na droga dahil sa paggala niya sa gabi.

Ayon kay David, na bise presidente rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi siya nagdodroga, at sa halip ay tumutulong sa mga nalululong sa masamang bisyo.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City na nagdududa siya nab aka sangkot sa droga ang obispo dahil nito sa nasasakupang lugar.

“Into drugs? No sir, I’m not into drugs of any sort, whether legal or illegal. Never been, I only help in rehabilitating people addicted to drugs. I partner with the anti-drug abuse councils/offices of the local government units of Caloocan, Malabon and Navotas in this endeavor,” post ni David sa Facebook.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi rin ng obispo na nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil hanggang sa ngayon, sa kabila n g kanyang edad, ay wala pa siyang maintenance drugs na iniinom.

“Thank God I am not even taking any maintenance drugs yet. I only take vitamins with fruit shake blended with malunggay in the morning. You might want to try it, Sir (Duterte). It will do you a lot of good. God bless you,” ayon pa sa obispo.

Iginiit pa ni David na abala ang diocese sa pagtulong sa mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot, sa pamamagitan ng Salubong, isang community-based drug rehabilitation, katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon at Navotas.

Mayroon din, aniya, silang scholarship program para sa mga naulila ng mga napatay dahil sa anti-drug war campaign ng Pangulo.

Ilang araw lang ang nakalipas nang paratangan ni Duterte sin David na nagnanakaw umano mula sa mga donasyon sa Simbahan.

Si Bishop David ay kilalang kritiko ng administrasyon sa mga pagpaslang na iniuugnay sa drug war.

-Mary Ann Santiago