ANG ganda-gandang buntis ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kaya maraming nagsasabing baby girl ang kanyang isisilang, kasunod ng panganay nilang si Letizia o si Zia.

Dingdong, Zia, at Marian

Marian wrote BOY

Pero ngiti lang ang laging sagot ni Marian. Sa isa sa kanyang mga presscon, sinabi niyang November 20 nila malalaman ni Dingdong Dantes kung ano ang gender ng baby nila, kung boy ba or girl.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa presscon naman ng Cain at Abel last November 13, sinabi ni Dingdong na alam na nila ni Marian kung ano ang gender ng second baby nila, pero hindi siya napilit sumagot kung boy or girl. Sa birthday na lang daw ni Zia nila ia-announce.

After two days, sa presscon ni Marian para sa Kultura Timeless Pearl, halatang mas lalo pa siyang gumanda. Lagi rin siyang nakangiti, kaya sinabi na naman namin sa kanya na babae ang inaanak niya.

Sumagot lang siya: “Talaga, iyon ang akala n’yo?” Kasi wala sa kanya ang mga sinasabing signs kapag baby boy ang ipinagbubuntis. Ikinumpara lang niya na kung kay Zia ay gusto niya ang matatamis at putting candy, ngayon ay kamias or anything na maaasim ang pinaglilihian niya.

This time, dumanas si Marian ng morning sickness, na hindi niya naranasan nung ipinagbubuntis niya si Zia. “Basta ang gender reveal, isasabay na lang namin sa birthday ni Zia sa November 23.

Pero nasa Hong Kong Disneyland kami kasi iyon ang request ni Zia, ayaw daw niya ng birthday party, gusto niya pumunta ng Disneyland dahil hindi pa siya nakapunta, gusto niyang makita ang mga mascots,” sabi ni Marian that day. Wala ring announcement na nanggaling kina Dingdong at Marian habang nasa HongKong Disney sila, maliban sa isang Instagram Story ni Dingdong na sumisigaw na si Zia ng “I’m Ate na!”

Pero noong Sunday, November 18, ay nagjoin pa ang mag-anak sa in-organize na The Color Run Hero Tour sa Bonifacio Global City. At doon pala, nakita na sa YouTube channel ni Dingdong, na isinulat na ni Marian ang word na “BOY” sa kalye pero walang masyadong pumansin, dahil abala ang lahat sa ongoing event.

Nang bumalik na lang sila last Sunday evening, November 25, from Hong Kong, saka nag-post si Dingdong sa kanyang IG Story ng “Gender Announcement Tonight at 7:00PM”. Ginawa nila ang reveal sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.

Kaya after the announcement, dinagsa na ng pagbati ang mag-asawa at si Ate Zia, na granted daw ang wish na “I want a baby brother!” Marami ang nagsabi na napakablessed ni Marian dahil laging sinasagot ni Lord ang lahat ng prayers ng aktres. Congratulations

-NORA V. CALDERON