Kabilang ang pugot na imahen ng Birheng Maria sa mga religious artifacts na idi-display sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila ngayong linggo.

Napugot ang ulo ng imahen ng Maria Auxiliadora de Marawi makaraan ang pag-atake ng grupo ng teroristang Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur, noong nakaraang taon.

Matatandaang isang video ang kumalat sa social media noong Mayo 2017 na nagpapakita sa ilang miyembro ng Maute na sumisigaw ng “Allahu Akbar” habang winawasak ang mga religious icon, tulad ng pagpunit sa larawan nina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI, at pagsusunog sa St. Mary’s Cathedral. “This is the original image of Mary Help of Christians whose head they removed because they pulverized it,” pahayag ni Jonathan Luciano, Aid to the Church in Need, national director. “This headless image we are going to exhibit...Even the clothes we didn’t change it, even the stains. It will form part of the exhibition,” dagdag pa niya.

Makaraan ang exhibit, ibibigay ang imahe sa punong opisina ng ACN International sa Germany.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, dumating na rin sa bansa nitong Biyernes ang ibang mga religious artifacts na magiging bahagi rin ng exhibit.

Magsisimula sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 1 sa UST main lobby, ang exhibit ay kasabay ng paggunita sa Red Wednesday

- Leslie Ann G. Aquino