Matapos ang matagumpay na karera niya sa mixed martial arts at pagiging artista sa pelikula, ang ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth’’ Vera ay  nais maibalik ang kanyang momentum sa 2019.

Brandon Vera (AP Photo/Bullit Marquez)

Brandon Vera (AP Photo/Bullit Marquez)

Mula sa kanyang pelikulang action thriller na “BuyBust” hanggang sa kanyang pag depensa sa kanyang titulo, ang Filipino-American superstar ay planong magkaroon ng mas aktibong bagong tao sa loob at labas ng cage.

“I'm planning to have a busy 2019 doing both entertainment and coming back to the cage,”pahayag ng 41 anyos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I have three upcoming movies, two of which will be filmed here and one in Hong Kong.

“I have a lot of other entertainment projects lined up. We’re going to finish those, and I’ll come back as soon as I can. But I promise you, I will never be out for two years again.”

Sa kabila ng pagliban niya sa MMA ng halos dalawang taon, matagumpay pa rin na nadepensahan ni Vera ang kanyang heavyweight belt laban kay Mauro “The Hammer” Cerilli ng Italy sa main event ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 23.

Ipinakita ni Vera ang nakabibilib na timing at tamang pagtira sa harap ng kanyang mga kababayan na nagtapos sa 64-second knockout victory.

“I positioned myself to become the ‘Filipino Truth,’ wherein you can follow the path I will lay out for you so you can see where I want to go,” sabi ni Vera sa ONEFC.com noong Agosto 2018.

“I know I’m doing a lot, but I take it one day at a time – chin down, hands up, one foot in front of the other – moving carefully.”

Matapos madepensahan ang titulo sa pangalawang pagkakataon, gustong ipagpatuloy ni Vera ang pangarap niyang makalaban sa “The Land Of The Rising Sun” at maging parte ng ONE: GREATNESS UNLEASHED, ang pangalawang live event ng promotion sa Tokyo, Japan sa Oktubre 11.

Inilahad na ni Vera ang intension niyang bumaba ng division upang makuha ang ONE Light Heavyweight World Title na kasalukuyang hawak ng two-division ONE World Champion Aung La “The Burmese Python” N Sang

“I would love to fight in Japan in October next year, and challenge whoever has possession of the light heavyweight belt,” sabi niya.

“Right now, it’s Aung La N Sang. He’s an amazing athlete, and that is why I want to face him. I want to be up against the best athletes in the world until my body doesn’t want to do it anymore."